Filtered By: Newstv
NewsTV

Haunted Buildings, Horror House, at True Philippine Ghost Stories sa iisang 'Brigada'


Kadalasan ang mga abandonadong istruktura't gusali, pinaniniwalaang tinitirhan ng mga espiritu't mga kaluluwa. Kaya naman marami ang ilag sa ganitong mga establisimyento katulad na lang sa isang lumang eskwelahan sa Escolta at isang dating mall sa Binondo. Siniyasat ni Ian Cruz kung saan nga ba tayo dapat mas matakot, sa mga di maipaliwanag na elemento o sa panganib na dala ng mga kinondena ng gusali?
Para sa mga naghahanap ng makapanindig-balahibong mapaglilibangan ngayong Undas, patok na patok ang mga Horror House. Ang ilan nga nating mga kababayan, ginawa nang raket ang manindak sa mga atraksyong ito. Pero gaano nga rin ba kaligtas ang ganitong mga pasyalan, hindi lang sa mga tinatakot kundi maging sa mga nananakot?  Sa pag-experience ni Tricia Zafra na manakot sa isang horror house, natyempuhan niya ang isang aksidente ng kapwa niya mananakot!  
Bahagi na ng ating kultura ang samu't saring kwento ng mga kababalaghan. Ang mga karanasang ito mababasa sa serye ng True Philippine Ghost Stories. Inalam ni Bam Alegre ang proseso kung paano sinusuri ang mga pinapadala sa kanilang kwento ng katatakutan, kagaya na lang ng nakarating sa kanilang ulat na nagmumulto raw ang mga namatay sa landslide nitong Agosto sa Brgy. Commonwealth. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!
Tags: plug