Filtered By: Newstv
NewsTV

‘Biyahe ni Drew’ presents ‘Flavors of Quezon’


Biyahe ni Drew: Flavors of Quezon
Friday, February 28, 2020
8 pm on GMA News TV

Masasarap na pagkain sa makasaysayang lugar ng Quezon Province ang hatid ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes.

Kilala ang Quezon dahil sa pahiyas. Kaya naman matututunan ni Drew kung paano gumawa ng kiping na siyang pangunahing dekorasyon tuwing piyesta. At mawawala ba ang classic na pancit habhab? Siyempre hindi!

Kamangha-mangha rin ang mga kwento ng pag-ibig na nagsimula sa ilan na mga putahe ng Quezon. May balak na manligaw? Naku, kailangang maghain ng minukmok! Pampatagal ng pagsasama ng mag-asawa? Simulan sa ulam na inihahain sa pamamanhikan – ang Chicken Delino!

Para sa naghahanap ng kakaibang lasa, merong flower-ful fresh lumpia na gawa sa pako salad na may bulaklak. Must try din daw ang pinagong ng isang bakery sa Sariaya.

For adventure-seekers na gustong tunawin ang kanilang kinain,  mayroon namang naghihintay na activities sa Quezon. Isa na riyan ang rapelling, wall climbing, at ziplining. 

Tikman ang sarap at ang saya ng Quezon sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano travels to Quezon Province where he samples the flavors the province has to offer including ubod sa tahure, puto bao, and adobong baka sa gata at papaya. He will also learn how to make the famous kiping and learn the proper way of eating pancit habhab.

Tags: biyahenidrew