Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' celebrates Valentine's Day in Baguio City


Biyahe ni Drew: Sa Baguio, Para Sa Puso
Friday, February 14, 2020
8 pm on GMA News TV

Buwan ng pag-ibig na, biyaheros, kaya samahan si Drew Arellano sa isang mainit at nakakakilig na biyahe sa malamig na Summer Capital of the Philippines, ang Baguio City.

Puwedeng pagsabayin ang Love Goals at Sustaina-goals sa Baguio. Pwedeng mag-HHWW o holding hands while walking ang mga couple sa isang bamboo forest. Pagkatapos maglakad-lakad, pwede naman mag-chill na date sa isang spa. Dito, native ingredients mula sa Baguio ang ginagamit para sa mga treatment.

Hindi man tuloy ang opening ng Panagbenga Festival ngayong taon, puwede namang makita ang naggagandahang bulaklak sa The Flower Café all year-round. Dito, masisilayan at matitikman ni Drew ang iba’t ibang edible flowers!

Kung regalo para sa inyong special someone ang hanap ninyo, rekomendado ni Drew ang mga libro at stationery sa Mt. Cloud o kaya ang vegetable bouquet na mabibili sa Ili-Likha Artist Village.

Love is in the air sa Baguio City kaya sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

February is love month and where better to spend a weekend than in the Summer Capital of the Philippines, Baguio City. Join Drew Arellano as he takes a trip down memory lane at a 1990s café, consumes the best edible flowers, and shops for a unique Valentine’s gift.

Tags: biyahenidrew