Filtered By: Newstv
NewsTV

‘Biyahe ni Drew’ goes to Maligcong, Bontoc


Biyahe ni Drew: Maligcong, Bontoc
Friday, February 7, 2020
8 pm on GMA News TV

Handa na ba kayong bumiyahe sa isang lugar na malamig pero mainit naman ang pagtanggap ng mga tao? Kung oo, sama na kay Drew Arellano sa Maligcong, Bondoc.

Ang unang pasyal ni Drew at ng BND Team ay sa Mt. Kupapey na medyo mahirap akyatin. Buti na lang makakasama nila ang guide dog na si Tamtam sa 1.8 kilometer trek na ito. Ang malaking gantimpala nila, ang makapigil-hiningang sunrise!

Pagkatapos ng nakakahingal na lakad, didiretso sila sa Payaka Falls na pantanggal pagod ang malamig na tubig.

Sa paglilibot, matutunton ni Drew ang Favarey. Mas moderno na ang itsura ng mga bahay dito pero makikita pa rin ang mga “shak-khod” o sungay ng kalabaw na nakasabit sa pintuan ng mga bahay. Makikilala rin niya ang mga lokal na may tradisyunal na tattoo at matutunan ang kasaysayan ng tribo.

Samantala, para makumpleto ang kaniyang imersiyon, matututunan ni Drew ang tamang pagluto at pagkain ng local delicacy—ang kuhol.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano explores the small town of Maligcong, Bondoc and meets the local tribe, ascends Mt. Kupapey to witness the sunrise, and learns how to cook and eat the local delicacy—the snail.

Tags: biyahenidrew