Filtered By: Newstv
NewsTV

Exploring Balabac, Palawan on ‘Biyahe ni Drew’


Biyahe ni Drew: Exploring Balabac, Palawan
Friday, January 31, 2020
8 pm on GMA News TV

Sa tinaguriang “Last Frontier of the Last Frontier” ang pupuntahan ni Drew Arellano sa biyahe niya sa Biyernes. Get ready for a long but satisfying trip to Balabac, Palawan!

Ang unang isla ng Balabac na bibisitahin ni Drew ay ang Malinsuno Island. Bukod sa paggawa ng bangka, ang pagtatanim ng seaweeds din ang isa sa pangunahing kabuhayan ng mga taga-isla. Kaya naman mabibisita ni Drew ang halos 300 hectares na taniman nila rito.

Hindi raw dapat palampasin ang pagkakataong mag-island hopping sa Balabac. Kaya mungkahi ni Drew, maglaan ng kalahating araw para rito.

Makikilala ni Drew ang mga Molbog na siyang mga katutubo ng Balabac. Makikita ni Drew ang ilang tradisyon ng tribo, kasama na ang pagsayaw ng “tarok” na sinasayaw lamang kapag may karamdaman ang isang Molbog.

Pero ang kaabang-abang sa biyaheng ito, ang mga buwaya ng Balabac! Makaka-close encounter kaya sila ni Drew?

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!


(English)

Drew Arellano spends a delightful vacation in what is known as the Last Frontier of the Last Frontier of Palawan, the island of Balabac. He goes island-hopping, visits the Molbog tribe, and takes a river cruise along the Karandungan River where crocodiles also swim.

Tags: biyahenidrew