Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew'

Flavors of Pampanga


Biyahe ni Drew: PAMPANGA 2019
Friday, November 29, 2019
8 PM on GMA News TV

Ngayong Biyernes, babalik si Drew Arellano sa binabalik-balikang tambayan ng mga foodies, ang Pampanga.

Sisig ni Aling Lucing ang una sa menu ni Drew. Mahigit tatlumpung taon nang namamayagpag ang maliit na puwestong ito dahil sa bukod-tanging luto nila ng Kapampangan favorite. Nariyan din ang Junjun’s na bukod sa sisig, panalo rin ang classic barbecue na ibinabad sa kanilang secret marinade.

Pag dating sa merienda, hindi magpapatalo ang mga kakanin ng Susie’s. Tibuk-tibuk, pinipig, at sapin-sapin ang ilan lamang sa paborito ng mga parokyano nila.

Para sa mga mas adventurous ang panlasa, rekomendado ni Drew ang kubang itik, kamaru, at paksiw demonyo! Pero para sa mga mas gusto ang tradisyunal na Kapampangan cuisine, wala raw tatalo sa morcon at bringhe. 

Magpakabusog sa Culinary Center of the Philippines. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

It’s all about pleasing the palette as Drew Arellano goes on a culinary tour in Pampanga where he enjoys the traditional sisig, tries new dishes like kubang itik and paksiw demonyo, and relishes traditional delicacies like morcon and bringhe. 

Tags: biyahenidrew