Mahiwagang Biyahe
Biyahe ni Drew: Mahiwagang Biyahe
Friday, October 25 2019
8 pm on GMA News TV
Mga kuwentong kakaiba at kamangha-mangha ang matutunghayan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes.
Una ang mga misteryosong kuwento ng isang bundok sa Laguna na pinapangalagaan ng tinatawag nilang Maria Makiling. May mga paranormal activity daw dito gaya ng paggalaw ng mga dahon na mag-isa at pagkakaroon ng mga bantay na hindi nakikita.
Sa Tanay, kakaiba naman ang kuwento ng sinasabing Magnetic Hill. Alamin ang mga kwento tungkol sa mga kusang gumagalaw na mga sasakyan kahit nakapreno. Misteryoso rin ang mga kuwento tungkol sa Yamashita Shrine na ginawa para sa Japanese General na si Tomoyuki Yamashita. Makita kaya ni Drew ang diumano’y nakatagong kayamanan dito?
Pero siyempre, sa tuwing bumibiyahe, hindi pwedeng mawala ang tsibog. Ano naman ang nakakakilabot na mga pagkain ang matatagpuan dito?
Sa Quezon naman, mararanasan ni Drew ang tradisyon ng mga lokal na pangangaluwa.
Samahan si Drew sa mahiwagang biyahe niya sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano takes a look at the mysterious stories that surround Mount Makiling in Laguna, the Magnetic Hill in Tanay, and the “pangangaluwa” tradition in Quezon in this Halloween Special.