Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew'

Heroes of Kalinga


Biyahe ni Drew: Heroes of Kalinga
Friday, October 11 2019
8 pm on GMA News TV

Norte ang susunod na dadayuhin ni Drew Arellano. Ang destinasyon niya, Kalinga!

Sa Tinglayan, sasalubungin siya ng tatlong bundok na kapag pinagsama-sama ay kilala sa tawag na “Sleeping Beauty”. Aakyatin din niya ang Palan-ah Falls na halos 300 feet ang taas.

Sa pag-iikot niya, mararating ni Drew ang tribo ng bayaning si Apo Macliing Dulag na siyang pumigil noon sa gobyerno na gumawa ng dam sa kinikilalang ancestral domain ng kaniyang tribo. Hanggang ngayon, nananatili siyang inspirasyon ng mga taga-Kalinga at pati na nga ng buong Mountain Province.

Susubukan na rin ni Drew ang white water rafting sa Chico River. Kayanin niya kaya at ng BND Team ang rumaragasang “River of Life” ng mga taga-Kalinga?

Siyempre, para maging kumpleto ang biyahe, kailangang bisitahin ang kilalang mambabatok na si Whang-Od.

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano visits Kalinga and meets the surviving tribe of the Kalinga hero Apo Macliing Dulag, climbs the 300-feet tall Palan-ah Falls, and rows his way through the thrilling rapids of Chico River.

Tags: biyahenidrew