‘Biyahe ni Drew’ goes to Apayao
Biyahe ni Drew: Hidden Gems of Apayao
Friday, October 4 2019
8 pm on GMA News TV
Isang kakaibang biyahe na naman ang mararanasan ni Drew Arellano sa pagpunta niya sa Apayao!
Tinaguriang “Cordillera’s Last Frontier of Nature’s Richness” ang Apayao. Dito, makikilala ni Drew ang mga Isnag, isa sa mga natitirang tribo sa Norte. Bukod sa kanilang tradisyunal na sayaw, ituturo rin ng tribo kung paano magluto ng paborito nilang sinursur na gawa mula sa igat o eel.
Samantala, malalaman ni Drew ang isang sikreto ng tribo na nakatutulong daw sa pagpapanatili ng kagandahan ng Apayao. Ito ay sa pamamagitan ng lapat o ang hindi pang-iistorbo sa isang lugar sa loob nga isang taon.
Sa bayan ng Conner naman, bibisitahin ni Drew ang isang fruit farm kung saan niya mararanasang mag-ani ng cacao at lansones. At sa bayan ng Luna, papasukin ni Drew ang Lussok Cave na may underground river din na maikukumpara raw sa underground river ng Palawan.
Sama na sa Apayao sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano visits Apayao, also known as the “Cordillera’s Last Frontier of Nature’s Richness, where he meets the Isnag Tribe, learns about the ancient custom of lapat, and picks cacao and lanzones at a local fruit farm.