Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Oriental Mindoro


Biyahe ni Drew: Stories of Oriental Mindoro
Friday, 6 September 2019
8 pm on GMA News TV

Sa Biyernes, pupuntahan ni Drew ang isang bayan na sa kabila ng modernong panahon ay hindi nakakalimot sa kultura at mga tradisyong Pilipino—ang probinsiya ng Mindoro.

Makakasalamuha ni Drew ang iba’t ibang tribo ng mga Mangyan, kabilang na ang mga Hanunoo. Masisilip ni Drew ang iba’t ibang gawain ng tribo tulad ng paghahabi at paggawa ng mga makukulay na palamuti.

Matitikman din niya ang kapeng Halcon, galapong, sinugno, banana chips, at ilan pang local delicacies.

Sa Silonay Mangrove Conservation Area and Eco-Tourism, isang simpleng pagbisita ang magbubukas ng mga mata ni Drew sa kahalagahan ng maayos na pangangasiwa ng pinagsamang turismo, komunidad, at kalikasan.

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

English

Drew Arellano visits Oriental Mindoro where he swaps stories with the locals and learns the important link between tourism, the environment, and community.

Tags: biyahenidrew