'Biyahe ni Drew' goes to Dumaguete City
Biyahe ni Drew: Dumaguete Then and Now
Friday, 30 August 2019
8 pm on GMA News TV
Binansagang “City of Gentle People” ng Negros Oriental, bibisitahin ni Drew Arellano ang Dumaguete City sa Biyernes sa Biyahe ni Drew.
Maraming saksi sa makulay na kasaysayan ng siyudad. Isa na riyan ang unang stopover ni Drew, ang Saint Catherine of Alexandria Cathedral na itinayo noong 18th century. Nariyan din ang Siliman University na kauna-unahang American at Christian institution sa bansa. Biyahero trivia! Ilan ang acacia trees sa unibersidad na ito?
Mula sa Dumaguete, madaling dayuhin ang mga karatig nitong bayan. Kaya side trip na para sa mga mahilig sa outdoor o swimming adventure. Marami nang dapat ilagay sa travel itinerary tulad ng pag-akyat sa Casaroro Falls, paliligo sa Manjuyod Sandbar, at dolphin-watching!
Pati sa kainan, hindi dapat palampasin ang mga ipinagmamalaki ang Dumaguete: ang malinamnam na sans rival, ang iba’t ibang street food sa Boulevard, at ang classic favorites na budbud at tsokolate sa painitan.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano goes back to the university town of Dumaguete where he visits famous landmarks, tries new outdoor adventures, and enjoys Dumaguete dining classics.