Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Davao


Biyahe ni Drew: Flavors of Davao
Friday, August 16 2019
8 pm on GMA News TV

Tamang-tama ang pagbisita ni Drew Arellano sa Davao dahil Kadayawan Festival na!

Nabiyayaan ng magandang klima at matabang lupa ang Davao. At dahil sa masaganang ani ng mga prutas, tinawag itong Fruit Basket of the Philippines. Siyempre hindi din mawawala sa bibisitahin ni Drew ang mga plantation ng pomelo, saging, at ang hindi padadaig na durian!

Pupuntahan ni Drew ang isang plantation na may tanim na 20,000 cacao trees! Dito matututunan niya ang mahabang proseso ng pag-ani ng cacao beans hanggang sa paggawa mismo ng tsokolate.

At dahil Muslim-friendly city ang Davao, titikman ni Drew ang masasarap na putahe sa ilang halal-certified restaurants. Ilan diyan ang tiyula itum o bone marrow na iniluto sa sinunog na niyog, chicken teperan na iniluto naman sa turmeric at special Maranaw herbs, at pastil o  chicken wrapped in banana leaf.

Makisali sa sayawan at makisalo sa kainan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano is just in time for the Kadayawan Festival in Davao as he visits various cacao, pomelo, and durian plantations, meets a community that turns recycled items into art, and samples the many flavors of Davao.

Tags: biyahenidrew