Filtered By: Newstv
NewsTV

‘Biyahe ni Drew’ explores Metro Manila


Biyahe ni Drew: Metro Manila-cation
Friday, August 9 2019
8 pm on GMA News TV

Rainy season na pero hindi kailangang maging makulimlim ang mga araw ninyo. Sa Biyernes, gumala sa sariling bakuran—sa Metro Manila!

Sa Pasay, sisilipin ni Drew ang Lakbay Museo, isa sa pinakabagong tourist attractions ng siyudad. Bukod sa costumes at sari-saring exhibit na may temang Pinoy, makikita rin ang nakakabilib na synthetic food collection na puwede raw ilaban sa Japan!

For a bit of culture, pupunta si Drew sa Quezon City para silipin ang QCX na first socio-historical museum sa Pilipinas. Sa Bike Playground, susubukan ni Drew ang puwedeng gawin sa loob ng bike park, lalo na kung tag-ulan. Tutuloy din siya sa Ninja Academy para matutunan ang stealthy ninja moves. At dahil nasa QC na rin, papasukin niya ang Gubat—isang restaurant na naghahain ng Pinoy cuisine. Bring your own utensils kung kakain kayo rito, biyaheros!

Samantala sa Taguig, naghihintay para kay Drew ang extra crispy lechon na tinawag na Best Boneless Lechon ng isang diyaryo sa Cebu. Yum! At kapag fan ka ng Avengers, pwedeng-pwede mag-staycation sa tulugan na ito.

Kahit maulan, puwede namang gumala. Kaya gumala na kasama si Drew Arellano sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano will not let the rainy season dampen his mood as he goes looking for the best activities, good eats, and eye-opening experiences around Metro Manila!

Tags: biyahenidrew