Filtered By: Newstv
NewsTV
‘Biyahe ni Drew'

Visiting leisure farms in Taiwan


Biyahe ni Drew: Fresh Feasts in Taiwan
Friday, July 26 2019
8 pm on GMA News TV

Handa na ba kayong pumunta sa 17th Richest Country in the World? Iyan ang destinasyon ni Drew Arellano sa paglipad niya sa Taiwan sa Biyernes!

1912 nang itinatag ang Taiwan, napakabata kung ikukumpara sa mga kapit-bansa nito sa Asya. Pero napaka-progresibo na ng maliit na bansang ito.

Ang highlight ng biyahe ni Drew ay ang mga leisure farms kung saan puwedeng magkaroon ng mga karanasang “back to basics” ‘ika nga. Ilan lang diyan ang Lanyang Shrimp Land kung saan puwedeng mamingwit ng mga hipon, ang Fairy Story kung saan puwedeng mag-tahip at maglinis ng palay, at ang Feng Chun Villa kung saan puwede namang mag-ani ng spring onions.
 
At dahil freshly picked ang ingredients, hindi palalampasin ni Drew na makakain ng signature dishes ng mga leisure farm na ito tulad ng truffle garlic at oven roasted shrimps, spring onion pancakes, at green bean cakes!

Fresh harvest and fresh eats ang naghihintay sa inyo sa Taiwan kaya sama  na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

 

(English)

Drew Arellano visits the famous leisure farms of Taiwan where he gets to catch shrimps, harvest spring onions, and eat the freshest dishes the country has to offer!

Tags: biyahenidrew