Discovering Misamis Occidental
Biyahe ni Drew: Oks sa Misamis Occidental
Friday, July 19 2019
8 pm on GMA News TV
Marami ka bang alam tungkol sa Misamis Occidental? Kung wala masyado, oras na para sumama sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes.
Ang napakatangkad na Christ the Redeemer Caluya Shrine sa bayan ng Sapang Dalaga ang unang babati kay biyahero Drew. Mula sa 45 feet na taas nito, matatanaw na ang Casul at Murcielagos Bay.
Speaking of Murcielagos Bay, dito makikita ni Drew ang sikat na Caluya Floating Cottages. Kilala ito dahil sa kakaibang karanasan ng pagpapaluto ng fresh seafoods at pagkain nito habang nakalutang sa dagat. Just don’t forget to clean up after your mess, biyaheros.
Samantala, dadayuhin ni Drew ang sagradong Lake Duminagat at makikipagkwentuhan sa mga taga-pangalaga nito. Perfect ang lugar kung ang hanap ay peace and quiet.
For a bit of rest and relaxation, sa bayan ng Plaridel naman tutungo si Drew kung saan nandoon ang Baobawon Island. Puwedeng sisirin ang crystal clear waters nito o kaya ay pasyalan ang bakawan sa paligid.
Ilan lang iyan sa madidiskubre ni Drew sa Misamis Occidental kaya sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano discovers the hidden gems of Misamis Occidental as he checks out the Christ the Redeemer Caluya Shrine, eats lunch at the famous Caluya Floating Cottages, and visits the beautiful Baobawon Island.