Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Bulacan


Biyahe ni Drew: Biyahero Trivia in Bulacan
Friday, July 5 2019
8 pm on GMA News TV

Sa Biyernes, malapit lang ang destinasyon ni Drew Arellano pero tiyak na marami pa ring sorpresa ang nakalaan para sa kaniya. Lahat nang ‘yan ay madidiskubre niya sa bayan ng mga makata, ang Bulacan!

Napakalaking papel ang ginampanan ng Bulacan sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito itinatag ang Malolos Republic, ang kauna-unahang Republika ng Pilipinas! Bibisitahin ni Drew ang Tanjosoy-Bautista House na siyang naging saksi sa pagkakatatag nito. Bukod diyan, pupuntahan din niya ang Museo ng Republika ng 1899 at ang bahay ni Doctor Luis Santos na isang manggagamot noong panahon ng Amerikano kung saan may sorpresang naghihintay sa kaniya.

Sikat din ang lutong Bulakenyo, lalo na pag dating sa masarap at kakaibang pagkain. Sa San Miguel, titikman ni Drew ang lahat ng luto ng pwet ng manok—mula barbeque pwet, sisig pwet, kalderetang pwet, at fried pwetmalu! Siyempre hindi rin mawawala ang mas siksik sa nutrisyon na kesong puti na gawa sa gatas ng kalabaw.

?Samantala, bibisitahin ni Drew ang Hound Heaven kung saan niya makikilala ang mga retiradong aso na nagserbisyo sa Philippine army. At pagkatapos, sisilipin naman niya ang paggawa ng puni sa Malolos.

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English)

Drew Arellano takes a trip to Bulacan where he visits the historic Tanjosoy-Bautista House which witnessed the establishment of the  Malolos Republic, eats Bulacan delicacies, and bonds with retired service dogs of  the Philippine Army.

Tags: biyahenidrew