Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Southern Leyte


Biyahe ni Drew: Southern Leyte
Friday, June 21 2019
8 pm on GMA News TV

Handa na ba kayo sa isang biyaheng tagos sa puso at tumutulay sa diwa?  O yan ang biyahe ni Drew sa Southern Leyte!

Sa Calag-itan Fish Sanctuary ang unang stopover ni Drew. Dito, daan-daang isda ang pinoprotektahan ng local government ng Hinunangan. Fish interaction ang tawag nila sa pakikipag-bonding with the fishies.

Sa Panas River sa Barangay Ingan, sasama si Drew sa mga masayang nagpapaagos sa ilog. Pero para sa mga ayaw mabasa, puwede namang magmuni-muni lang sa Calag-itan view deck kung saan abot-tanaw ang hugis-pusong Hinunangan Coastline.

Bibisitahin din ni Drew ang dalawang isla na unti-unting sumisikat sa Southern Leyte: ang San Pablo at San Pedro Islands. Iba’t iba ang mga puwedeng gawin sa mga isla, kasama na ang ramp diving at swinging mula sa baging!

Samantala, mapapadighay naman si Drew sa Hagikhik, isang local delicacy na gawa sa bigas, asukal, at niyog. Titikman din niya ang kinilaw na kalabaw at fresh na fresh na saang o malaking suso.

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English version)

Drew Arellano takes a memorable trip to Southern Leyte where he interacts with the fishes at the Calag-itan Fish Sanctuary, goes island-hopping at San Pedro and San Pablo Islands, and samples on local delicacies.

Tags: biyahenidrew