'Biyahe ni Drew' returns to El Nido, Palawan
Biyahe ni Drew: El Nido
Friday, June 14 2019
8 pm on GMA News TV
Biyaheng engrande ang mararanasan ni Drew sa Biyernes sa biyahe niya sa El Nido, Palawan.
Tatlong beses nang hinirang na “World’s Best Island” ng isang New York-based magazine ang Palawan. At isa marahil sa dahilan nito ay ang patuloy na pagsikat ng El Nido.
Sa Lio, didiretso si Drew sa 325-hectare Lio Tourism Estate. Dito, iba’t iba ang accommodation na puwedeng pagpilian: merong pang-newlyweds, pang-solo travelers at pang-pamilya. Dahil malapit lang sa beach, ang bisita na ang namimili ng water activity tulad ng stand up paddle boarding. Huwag lang daw ang motorized water activity dahil bawal ito.
Sa Kalye Artisano, sisilipin ni Drew ang iba’t ibang tindahan at Instagram-worthy murals, pati na ang mga panindang gawang-kamay o handmade.
Samantala, hindi palalampasin ni Drew ang favorite activity ng mga bumibisita sa El Nido, ang island-hopping! May apatnapu’t limang isla dito pero kalahati lang ng bilang nito ang bukas sa publiko. Paglaanan ng budget ang private tour para sulit ang pagbisita ninyo.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English version)
Drew Arellano returns to El Nido in Palawan where he visits the 325-hectare Lio Tourism Estate, checks out the Instagram-worthy Kalye Artisano, and goes island-hopping.