Biyahero Drew revisits Pampanga
Biyahe ni Drew: Pampanga
Friday, May 24 2019
8 pm on GMA News TV
Di pa tapos ang tag-araw kaya samahan si Drew sa Pampanga ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew!
Ilang beses na ring bumisita si Drew sa Pampanga pero tila hindi nauubusan ng sorpresa ang probinsiya.
Para sa kakaibang adventure, bibigyan si Drew ng flying crash course sa isang flying school. Simulator lang naman ang gamit pero may exact measurements at controls ito ng eroplano kaya parang mag-aaral na rin siya ng pagpipiloto.
Para sa isang mala-western movie na karanasan, bibisitahin ni Drew ang mala-Grand Canyon na lokasyon sakay ng kabayo. Pero para sa mga mas gustong magmaneho, nariyan naman ang 4 x 4 ride over rocky trails.
At bilang pampawi sa init ng maghapon, magbababad si Drew sa indoor pools at slides ng Aqua Planet, ang pinakabagong water park ng probinsiya.
Kilalang Culinary Capital of the Philippines ang Pampanga kaya ihahanda ni Drew ang kaniyang tiyan sa isang nakabubusog na maghapon. Bukod sa nakagawiang traditional Kapampangan food, meron ding Korean, French, at Italian!
Samantala, dadaanan ni Drew ang isang pasalubong center na ang lahat ng paninda ay pawang all-natural. Nariyan ang fresh lemongrass juice, kalabasa leche flan, at puto sayote. At bilang icing on the cake, ika nga, gagawa si Drew ng ice cream na may kakaibang flavor ng turmeric at malunggay!
Mekeni na sa Pampanga sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English version)
Drew Arellano revisits Pampanga and tries his hands at flying a plane, driving a 4-wheel drive vehicle, and horse-back riding. He also samples the best the Culinary Capital of the Philippines has to offer.