Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew'

Corregidor and Bataan Adventure


Biyahe ni Drew: Kakaibang Road Trip sa Corregidor at Bataan
Friday, May 17 2019
8 pm on GMA News TV

Sulitin ang tag-init ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew. Lilibutin ni biyaherong Drew Arellano ang dalawang lugar sa loob lang ng dalawang araw. At, hindi nakakapagod ang biyahe!

Ang unang destinasyon ni Drew ay ang isla ng Corregidor. Best known for its storied past, ang isla ang isa sa may pinakamakulay na kasaysayan sa bansa.

Noong panahon ng mga Kastila, ginamit itong kulungan o koreksiyonal. At noong 1942, sinakop ito ng mga Hapon. Pero, nang mabawi ito ng mga Pilipino matapos ang giyera, ginawa na itong bantayog para sa mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Ang pagbisita sa Corregidor ay tila pagbisita sa nakaraan. Isa sa mga bagong atraksiyon ay ang Filipino Heroes Memorial na dinisenyo ng National Artist for Architecture na si Francisco Mañosa.  Narito pa rin ang Kindley Field na hanggang ngayon ay ginagamit na landing strip. Pupuntahan din ni Drew ang batteries o mga lugar kung saan nakatago ang mga kanyon, mortar at iba pang sandata. At siyempre, palalampasin ba ni Drew ang pagpasok sa Malinta Tunnel?

Samantala, dadayuhin din ni Drew ang kalapit na bayan ng Mariveles, Bataan, kung saan matatagpuan ang sikat na Five Fingers. Mga magkakalapit na limang isla ito na mukhang mga daliri kapag tiningnan mo mula sa itaas. At para sa mga foodies, rekomendado ni Drew ang Pupung Food Park kung saan makikita ang Lugawan ni Pupung.

Sama na sa Corregidor at Bataan sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

(English version)

Traveling to Bataan is now made easier with just a one hour ferry ride from Manila Bay. But before Drew Arellano visits Bataan, he heads to the historic island of Corregidor which was part of the Harbor Defenses of Manila and Subic Bay in 1902 and turned into a fully-functional military base. From Corregidor, he just takes a boat ride to Bataan where he then enjoys the famous Five Fingers islands.

Tags: biyahenidrew