'Biyahe ni Drew' goes to Rizal
Biyahe ni Drew: Tatak Rizal
Friday, May 10 2019
8 pm on GMA News TV
Bibihira ang mga lugar na madaling kahulugan ng loob. Iyong tipong kahit ilang ulit mo mang puntahan, pareho pa rin ang mararamdaman mong saya. Isa na riyan ang Rizal!
Samahan si Drew Arellano sa muling pagbabalik niya sa isa sa pinakapaboritong probinsiya ng mga Manilenyo.
Bibisitahin din ni Drew ang mga kapatid nating Dumagat na siyang mga unang settler ng probinsiya. At dahil mga katutubo sila ng Rizal, sila ang perfect tour guides, lalo na kung balak mong pumunta mula Barangay Cuyambay hanggang Mount Paliparan.
Kapag food specialty naman ang pinag-usapan, marami niyan ang Rizal. Pero hindi dapat palampasin ang iba’t ibang luto ng itik ni Mang Lamberto—mula sa nakagawiang fried, hanggang sa kaldereta. Sa Tanay, katakam-takam naman ang mga putahe na may kasamang portrait na iginuhit ng local artist na si Jun Tiongco.
Sama na sa Rizal sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English version)
Drew Arellano spends some quality time in one of his favorite provinces, Rizal, where he meets the Dumagat tour guides who lead tours from Barangay Cuyambay to Mount Paliparan. He also visits the Blanco Museum, eats the classic Rizal specialty fried itik, and gets a hand drawn portrait by local artist Jun Tiongco.