Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew'

Revisiting Negros Island


Biyahe ni Drew: Sustaina-GOALS in Negros Island
Friday, March 29 2019
8 pm on GMA News TV

Handa na ba kayong pumunta sa ikalawang pinakamalaking isla sa Visayas at ika-apat na pinakamalaki sa buong Pilipinas. Kung oo, samahan si Drew Arellano sa Biyahe niya sa Negros!

 

Matatagpuan ang ilang highly urbanized cities sa Negros tulad ng Dumaguete at Bacolod. Malaki rin ang papel ng turismo sa pag-unlad ng isla. Kaya naman nagsisikap ang mga Negrense na tiyaking magkaroon ng sustainable tourism dito.

Sa pag-iikot ni Drew, makikita niya kung gaano kaseryoso ang mga lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran. Sa Sagay, maingat na inaalagaan ang parehong karagatan at mga bakawan, at mga residenteng giant clam. Sa San Carlos naman, hindi palalampasin ni Drew ang diving opportunity sa Tanon Strait na pinakamalaking protected area sa buong bansa.

Pag dating sa pasalubong, sustainability is key. Para kay Drew, dapat tangkilikin ang mga lokal na produkto para makatulong din sa mga tagarito— tulad ng pomelo, daing at tuyo, at iba pang organic products.

At dahil sugar capital ng Pilipinas ang Negros, ihahanda ni Drew ang kaniyang matamis na oo sa mga sweet products tulad Piaya, Napoleones, Ensaymada, at marami pang iba.

Balik-Negros tayo sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!


ENGLISH PR

Drew Arellano revisits the Sugar Capital of the Philippines, Negros! Learning that sustainable tourism is part of Negros’  long term plan, Drew visits the giant clams in Sagay, dives into Tanon Strait, shops for locally made products and produce, and samples the sweet desserts and snacks that the island is famous for.

Tags: biyahenidrew