Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga isla ng Visayas, lilibutin ng 'Biyahe ni Drew!'
Back to the Visayas! And what’s better than going back to some of the beautiful islands that make up the more than 7000 islands of the Philippines?
Siyempre, una sa listahan ang Queen Island of the South, Cebu City. At dahil sa dami ng mga puwedeng puntahan dito na may iba’t ibang tema, para ka na ring nag-around-the-world in one trip. Sa Central Visayas, bida naman ang Bohol. Bukod sa world-famous Chocolate Hills, meron ding rice terraces sa Candijay. Sa Guimaras, puwedeng sisirin ang mayaman nitong karagatan. At sa Negros, unti-unting umuunlad ang eco-tourism ng probinsiya.
For foodies, tiyaking kumpleto ang listahan ninyo ng must-eats. Simulan sa Cebuano favorite na freshly-baked Rosquillos. Sundan ng tatak Liloan na Masi. Nariyan din ang batchoy at pansit molo ng Iloilo. Samahan pa ng manamis-namis na fresh seafood ng Guimaras at ng sikat na chicken inasal ng Bacolod. Bago tuluyang mabundat, huwag kalimutan ang panghimagas na piaya, ha?
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular