Filtered By: Newstv
NewsTV

Flavors of Albay, titikman sa 'Biyahe ni Drew!'


 


Mabubuking na ang secret  love affair ni Drew sa kaniyang biyahe sa Albay. Pero not to worry dahil hindi tao at lalong hindi hayop ang humuli at patuloy na umaakit sa puso niya kundi…gata at Bicolano food!


Iba’t ibang putahe pero may iisang pampasarap! ‘Yan ang mga matitikman ni Drew sa kaniyang Albay adventure. Nariyan ang Bicolano classic na pinangat na dinayo niya pa sa Camalig. Sa bayan naman ng Daraga, cocido ang inihain para sa kaniya.


And for that truly Bicolano experience, kailangan maranasan ang magpapawis habang ngumunguya ng sili. Kaya mapapadpad siya sa isang sili farm kung saan iba’t ibang klase ng sili ang magpapa-apoy sa kaniyang dila.  For dessert, matitikman niya ang tasty version ng cheesecake na hinaluan ng pili. And to cap his Bicol food trip, pupuntahan niya ang bayan ng Polangui para tikman ang kakaibang Bicol Express ice cream.


And because Biyahe ni Drew is not all about food, susuungin ni Drew ang Sigpit Falls at Quitinday River sa Jovellar.  Isang must visit din daw ang Sumlang Lake.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.