'Biyahe ni Drew' is going to Guimaras!
Sa Biyernes, dadayuhin ni Drew Arellano ang kinikilalang “Mango Country of the Visayas”!
Sikat hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang Guimaras Mango. Napakatamis kasi nito at tamang-tama lang ang texture—soft and firm, ‘ika nga.
Pero pati ang mango products, patok din. Siyempre titikman ni Drew ang biskwit, tinapay, empanaditas, candies, at pickles. At ang latest addition sa listahan ng mga pampasalubong, ang Mango Serafina.
Pero bukod sa mangga, may iba pang dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga turista sa Guimaras all year-round. Isa na riyan ang island hopping na maaaring gawin sa kanilang Suba Malawig Eco Tour. Bukod sa pagtingin sa mangroves, puwede ring sumali ang mga bisita sa mangrove planting.
Sa Igang Bay Marine Sanctuary, sisisirin ni Drew ang isang underwater paradise. And to cap the day, tatalunin niya ang nakalululang 30-feet cliff na paboritong activity ng parehong locals at turista.
For a bit of history, pupuntahan ni Drew ang Navalas Church na pinakamatandang simbahan sa Guimaras. Itinayo ito noong 1880 gamit ang mga bato at corals kaya napakatibay.
Pero ang isa sa highlights ng biyahe ay ang pagpunta ng tropa sa wind turbine generators—ang windfarm, nakatayo kung saan kitang-kita ang view ng Panay Gulf.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!