Filtered By: Newstv
NewsTV
Bacacay, Albay, bibisitahin natin sa 'Biyahe ni Drew!'
Sikat ang Bicol dahil sa mga prominenteng landmark nito. Isa na riyan ang Mayon Volcano. Pero alam n’yo bang kapansin-pansin rin ang mga lugar na nakapalibot sa perfect cone na ito? Sa Biyernes, iyan ang madidiskubre ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew!
Isa sa mga lugar na ito ang Munisipalidad ng Bacacay. Sikat ito dahil sa Misibis Bay na nasa Cagraray Island. World-class ang Misibis kaya naman unti-unti na itong nakikilala sa buong mundo. Susubukan ni Drew ang iba’t ibang amenities ng resort, kasama na ang simpleng panunuod ng paglubog ng araw habang umiinom ng champagne at lumalantak ng keso sa kanilang sunset cruise.
For a more affordable adventure, bibisitahin ni Drew ang Eco Park sakay ng ATV. Ang first stop niya ay ang Stella Maris Chapel na nakaharap sa Albay Gulf. Meron ding ampitheater na paboritong venue ng mga pre-nuptial or wedding pictorials.
Samantala, kasama ang biya-hero na si Rome, pupuntahan ni Drew ang mga kalapit-isla ng Cagraray. Isa riyan ang Tagbulakaw na kamukha ng Coron dahil sa mga limestone deposit nito.
And saving the best for last, lilibutin ni Drew ang town proper ng Bacacay kung saan makikita niya ang Casa Simeon, ang St. Rose of Lima Church, at ang Icola and Ace Eatery.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular