'Biyahe ni Drew' visits the happy island, Catanduanes
Sa Biyernes, get ready to be happy as Biyahe ni Drew visits the happy island—Catanduanes!
Dahil isla ang destinasyon, beach agad! Sa Palumbanes Island, Bitaog Beach ang unang stopover ni Drew na sinasabing mala-Calaguas o Boracay ang dating. Sa Tignob Island o kilala rin sa tawag na Golden Beach, tuturuan siya ng mga mangingisda ng kakaibang paraan nila ng paghuli ng isda.
Sa Pandan, first time visitors ang Team BND sa eighty five-meter tall, three-tiered Hinik-Hinik Falls. At sa Cagnipa Rolling Hills, lalanguyin ni Drew ang Tuwad-Tuwadan Lagoon!
Pero ang isa raw sa pinakamagagandang tourist attraction sa Catanduanes ay ang Binurong Point kun saan kitang-kita ang ganda ng Pacific Ocean. Huwag ding lampasan ang Patag Island sa Barangay Cagraray na binubuo ng kakaibang rock formation. Samantala sa Barangay Bote, pupuntahan ni Drew ang Bote Lighthouse. At 450 meters from Sakahon Beach, magbaon daw ng lakas at mahabang pasensiya dahil sulit naman ang 45-minute trek pag dating sa lighthouse.
Para matikman ang local flavors, susubukan ni Drew ang Kaluko, isang local dessert. Nariyan din ang Paella de Pandan na ang halong fresh ingredients ay nahuli pa sa Tuwad-Tuwadan Lagoon! For an exotic flavor, lalantakan din ni Drew ang sinalpungan na laman-loob ng kalabaw, pati na ang ginataang tabagwang na galing pa sa Nahulugan Falls.