Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' takes a trip to FUN-gasinan! 


Ngayong Biyernes, Drew Arellano puts the fun in Pangasinan as Biyahe ni Drew takes a trip to Fun-gasinan!

 
 
Mula Maynila, kulang-kulang tatlo’t kalahating oras lang ang biyahe papuntang Pangasinan.  At dahil madadaanan ito papuntang Summer Capital na Baguio, kadalasang nilalampasan lang ito ng mga biyahero. Pero if you take the time to explore,  siguradong maiinlab din kayo rin sa probinsiyang ito.
 
 
 
Unang pupuntahan ni Drew ang Allied Botanical Corporation kung saan makikita niya ang nakabibighaning Sunflower Maze.  150 pesos lang ang entrance fee for a wantusawa picture-taking experience sa gitna ng mga mga bulaklak.  Puwede ka ring mamili at tumikim ng mga preskong gulay at prutas mula sa halos 300 varieties na meron sila.
 
 
 
For more exciting adventures, pupunta naman si Drew sa bayan ng Balungao kung saan iikutin niya ang paanan ng Mt. Balungao sakay ng isang ATV. Bibitin din siya mula sa zipline na 80 feet ang taas at aakyatin ang 287 steps papuntang Sky Plaza ng Mt. Balungao.
 
Samantala sa bayan ng Natividad, must-visit daw ang Maranum Falls. Sa Laoac at Rosales naman, dapat daw tikman ang iba’t ibang luto ng kanilang tinapa.  Dito rin bidang-bida ang kakanin na tupig. Sa katunayan, may festival pa ito!
 
 
 
At dahil malapit na sa Ilocos, siyempre lalantakan ni Drew ang paborito niyang Ilokano dishes. Nariyan ang pigar-pigar na mala-stir-fried vegetables ang dating, ang kuskus na lamang-loob ang main ingredient, ang karembeng na gawa sa kambing, ang patupat, isang uri ng kakanin na gawa naman sa malagkit, at sandamakmak na puto!
 
 
 
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8 PM sa GMA News TV!