Mga bagong sorpresa ng Puerto Princesa, tunghayan sa 'Biyahe ni Drew'
Biyernes sa Biyahe ni Drew, muling babalikan ni Drew Arellano ang nag-iisang Puerto Princesa sa Palawan!
Makailang-ulit mang napuntahan ni Drew ang travel gem na ito, hindi pa rin ito nawawalan ng sorpresa para sa kaniya.
Sa Star Fish Island, malulula siya sa dami ng mga star fish in their natural habitat. Sa Cowrie Island na kahugis ng cowrie shell, seafood galore naman ang bubulaga sa kaniya. Whether grilled, fried or boiled, wantusawa ang seafood eating spree ni Drew.
At dahil puno ng sorpresa ang Puerto Princesa, isang authentic Israeli restaurant ang madidiskubre niya kung saan matitikman niya ang kaniyang mga paboritong kebab, hummus at schnitzel. At bilang panulak, isang micro-brewery ang pupuntahan niya para makainom ng iba’t ibang klase ng handcrafted beer. Aba, sulit ang biyahe dahil napabilang na ang dalawa sa beer nito sa listahan ng Best Brewed Beers in the World ng 2016.
And because BND spells adventure, isang kakaibang zipline and tatawirin ni Drew—gamit ang zip bike! Pero kung ‘di raw swak ang zipline sa inyo, why not try go karting and kiteboarding?
Finally, for a bit of bonding with nature, pupuntahan ni Drew ang isang liblib na talon at isang hot spring. Para kay Drew, worth it ang halos isang oras na biyahe kung ultimate relaxation naman ang kapalit.
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.