Pag-obserba sa wildlife ng Kenya, Africa, tampok sa 'Biyahe ni Drew'

Isang once-in-a-lifetime trip ang matutunghayan ngayong Biyernes dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa Biyahe ni Drew, lilipad ang tropa sa Kenya, Africa!
Aabutin nang halos 12 hours ang biyahe papuntang Kenya. Kaya payo ni Drew, magnakaw ng tulog sa long-haul flight para mas mabilis makapag-adjust sa jet lag.

First things first…safari! Siyempre ang bida sa episode na ito, Kenya’s Top 5 o most hunted animals. Ito ay ang lion, elephant, white buffalo, rhinoceros, at leopard. Unang pupuntahan ng Team BND ang Nakuru National Park. Dito matatagpuan ang Lake Nakuru na isang savannah kung saan protektado ang mga hayop na residente nito, at kung saan mao-obserbahan ang mga hayop sa natural nilang tirahan.

Pero alam n’yo ba na ang Top 5 ay naging Top 9 na? Kasi nadagdag na ang mga zebra, cheetah, giraffe, at hippo. Kaya naman hindi matatawaran ang oportunidad na ito para sa tropa. Pero bukod diyan, makikita rin ni Drew ang iba pang hayop sa Masai Mara na isa sa pinakasikat na game reserves sa Kenya. Dito kasi tumatawid ang mga hayop papuntang Tanzania and vice versa.

Pero para makumpleto ang biyaheng Africa, lalantakan ni Drew ang local eats, kabilang na ang mga makarneng putahe sa Carnivore Restaurant.
Magiging up close and personal din siya sa Maasai Tribe at bibisita sa mga tahanan ng tribo.

Kenya feel the love on Friday? Sama na sa Biyahe ni Drew sa GMA News TV!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us