Filtered By: Newstv
NewsTV

Island hopping and camping sa Polillo, ngayong Biyernes sa 'Biyahe Ni Drew'


 


Ang Polillo Group of Islands ang bida sa susunod na episode ng Biyahe ni Drew as Drew Arellano visits Quezon Province.

 


Ang Infanta, Quezon ang jump off point papuntang Polillo Group of Islands. Mula rito, puwedeng-puwede nang mag-renta ng bangka upang makapaglibot sa mga isla.

 


Isa sa highlights ng biyahe ay ang Kabalu Sand Bar kung saan makikita ang mga migratory birds na mga Chinese egrets. Sa Pulong Coccoc na isang white sand island, kapansin-pansin naman ang isang rock formation na lumalaki o lumiliit depende kung high tide o low tide.  Nagsisilbi rin itong tahanan ng ilang mga ahas!

 

Sa  Isla Puting Bato, puwedeng mag-caving pero kailangan mo lang munang mag-ipon ng lakas para maglakad paakyat ng bundok. Huwag daw mag-alala dahil sulit ang pagod pag dating sa loob ng kweba.  At dahil hindi lang pangingisda ang pinagkakakitaan sa Polillo,  buhay na buhay din dito ang pearl farming.

 


Siyempre kailangan ding maranasan ni Drew ang  fresh bounty of the sea. First on the menu:  ang tarukog na “kibit” sa mga taga-Quezon. Mala-pusit daw ang lasa nito depende sa timpla. Sunod naman ang kuray  na parang alimango ang itsura. Samantala, kakaiba rin ang lasa ng sahang, isang clam fish na malaki ang shell. Last on the list ang bulaso na medyo out of this world ang dating.

Para sa pasalubong na tatak Quezon, rekomendado ni Drew ang mga iskulturang gawa ng mga mangingisda sa Nakar.  Gawa ang mga obra mula sa mga driftwood o kahoy na inanod at napupulot  lamang sa tabing-dagat.  Hindi rin magpapatalo ang mga misis ng mga mangingisda dahil sila naman ay gumagawa ng iba’t ibang produkto mula sa mga tanim sa kanilang bakuran. Ilan lang diyan ang citronella, malunggay at luyang dilaw granules.

 


And to complete their adventure, mag-a-ala-survivor mode ang Team BND sa Anilon Island. With a tent, no cellphone or wi-fi signal at walang basic equipment tulad ng kalan, makayanan kaya ni Drew ang extra challenge na ito?

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.