Filtered By: Newstv
NewsTV

World-class food at pasyalan sa Davao City, tampok sa 'Biyahe ni Drew'


 

 

Isang world class city ang destinasyon ni Drew Arellano sa Biyernes sa Biyahe ni Drew!

 

 

Kahit ilang beses nang nabisita ni Drew ang Davao, ang bawat pagbisita ay may bagong pagtuklas. Sa Talikud Island na malapit sa mas sikat na Samal Island, luxurious vacation ang vibe. Dahil pribado, mas exclusive ang dating ng isla. Dito, susubukan ni Drew ang Muck Diving o Macro Underwater Photography. Dito, maliliit na sea creatures ang mga bida against the wonderful backdrop of the big blue sea.

 


 


 

Mula sa Davao City, pupuntahan ni Drew ang Pearl Farm na isa sa pinakasikat na resort sa Samal Island.World class ang dating nito, from accommodations hanggang sa amenities. Pero ang naka-excite kay Drew, ang Fly Board, isang uri ng hover board na kaya kang paliparin!

 


For his dose of good eats, isang 5-course meal sa pamosong Marco Polo Hotel ang lalantakan ni Drew: kinilaw with bacon bagnet, roasted tomato soup in mozzarella cheese, quinoa and salmon salad with Davao vinaigrette, baby backribs with  pomelo and for dessert, durian crème brulee!   To continue his wonderful culinary adventure, bibisitahin ni Drew ang Claud Le Café, isang French restaurant na mismong isang French chef ang nagpapatakbo. Aba, pati ang oysters nila, galing pang France!

 


And to cap off his Davao adventure, titikman ni Drew ang tsokolateng gawa sa Mindanao, ang Malagos Chocolate. Ang sweet ng ending, ‘no?

 


 

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.