Biyahero Quiz Night, ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew'
Biyahe ni Drew: How’s Your Biyahero IQ?
Biyernes, June 17, 2016
8pm on GMA News TV
Ngayong Biyernes, magkakaalaman na kung sino talaga ang mga tunay at masugid na tagasubaybay ng Biyahe ni Drew! Biyaheros, are you ready to play “What’s your Biyahero IQ?”
Sa episode na ito, susubukan ang travel IQ ng mga tunay na BND fans. Kaya bago manuod, kailangan munang magbalik-tanaw!
Sa Narra, Palawan, babalikan ni Drew ang mga katutubong Tagbanua at titikman niya ang “amit,” isang kakaning gawa sa bigas. Sa Dumaguete, hindi makakalimutan ni Drew ang lutong ng lechon ni Mang Gerry! At sa Boronggan, Samar, kakaiba man ang itsura, masarap naman daw ang lamang-dagat na kung tawagin ay tarucog at ulnitan.
When it comes to adventure, eksperto na riyan si Drew. Sa Lobo at Laiya, Batangas, sisisirin niya ang magagandang diving spots ng mga isla. Sa probinsiya ng Rizal, nature-tripping ang aatupagin niya sa loob ng mga kuweba at mula sa itaas ng mga talon. Sa Cateel, Davao, pupuntahan niya ang sinasabing longest cascading waterfalls sa buong Pilipinas. At sa Southern Leyte, caving, diving at canyoneering naman ang uubos ng oras niya.
Samantala, patok rin ang encounters with the wild ni Biyahero Drew. Sa Masbate, halos manigas siya sa takot dahil sa mga ahas na nakapaligid sa Tatus Island. Pero sa Sorsogon, masaya naman siyang lalangoy kasama ang tinaguriang gentle giants ng karagatan—ang mga butanding!
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.