Filtered By: Newstv
NewsTV

Whale shark swimming at island-hopping sa Sorsogon ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew'


 

Kapag summer, asahan na ang masakit na sikat ng araw at doble-dobleng pawis at uhaw. Pero ito ang perfect excuse para umalis ng Maynila and go on an out of town adventure! Kaya naman ito ang gagawin ni Drew Arellano sa kaniyang next destination sa Sorsogon!

Binubuo ang Sorsogon ng labing-apat na bayan at isang siyudad na madaling bisitahin. First on Drew’s list, ang mga isla sa Matnog. Sa Subic Beach na kilala sa sikat nitong pinkish-white sand ang unang stopover. Swimming, snorkelling, at camping ang ilan lamang sa mga activities dito.  Sa Juag Lagoon naman, sisisirin ni Drew ang fish sanctuary kung saan makikita ang malusog at mayamang underwater life.

Mula sa Matnog, didiretso ang tropa sa Bulusan. Dito, bibisitahin  nila ang Uma Bee Farm kung saan sila makikisalamuha sa mga resident honey bees nito. Buti na lang mga trigona biroi ang mga ito—o ‘yung uri ng bubuyog na stingless.  Ang bee farm din na ito ay isang resort kaya pwedeng umarkila ng tirahan para sa buong pamilya.

Next stop sa Sorsogon adventure ni Drew ang Bacman Geothermal Production Field sa Sorsogon City. Bukod sa maoobserbahang proseso ng paggawa ng geothermal energy, pupuntahan din niya ang Botong Twin Falls na kulay asul at berde ang tubig. Dala ito ng magkaibang klase ng tubig na dumadaloy sa falls—ang fresh spring water at ang tubig na may asupre o sulfur.

When it comes to good eats, titikman ni Drew ang local delicacies, siyempre. Nariyan ang Kupapa, isang uri ng seafood na mala-lobster ang dating. Hindi rin mawawala ang Bicol’s pride na laing, at sikad-sikad na isang uri ng saltwater shell.

 

Saving the best for last, makikipag-bonding si Drew sa mga gentle giants of the sea, ang mga butanding ng Donsol! Ang butanding season ay nagsisimula sa buwan ng Mayo kaya tamang-tama ang pagbisita ni Drew. Ilang butanding kaya ang makaka-face-to-face ng ating beteranong biyahero?

Alamin sa Biyahe ni Drew  sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.

Tags: plug, sorsogon