Filtered By: Newstv
NewsTV

Summer fun sa Davao del Norte ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew'


Biyahe ni Drew: Davao del Norte

Just a few weeks into the summer season pero tila init na init na tayo sa Maynila! Puwes, samahan si Drew Arellano somewhere in the south for a refreshing summer adventure.  Ang kaniyang destinasyon… ang Davao del Norte!

 


Siyempre island hopping agad! Sa Talikud Island na parte ng Island Garden of Samal,  mamangha si Drew sa dami ng snorkeling and diving sites.  Ang isla ay bahagi ng 200-hectare protected marine area kaya naman panalo ang sigla at dami ng yamang-dagat dito. Kung sawa na kayong lumangoy, puwede naman kayong umakyat ng puno. Iyan nga ang gagawin ng ating biyahero sa century-old balete tree ng isla. Samantala, pupuntahan niya ang isang kuweba na tila ospital na ng mga taga-isla. Dito kasi nanggagamot noon ang kanilang resident albularyo na si Iti.

 


Kung adrenaline junkie ka, maraming lugar sa Davao del Norte na puwede mong puntahan. Rekomendado ni Drew ang mga natural wonders tulad ng Panas Falls na nakaka-falls-in-love daw! Makikilala din niya ang Taglobo, isang grupo ng mga long boarding enthusiasts.

 


Bukod sa traditional Dabawenyo dishes tulad ng grilled native chicken, lalantakan ni Drew ang fresh seafood siyempre.  Isa na riyan ang sikat na siga-siga.  At dahil paborito niya ang saging, hindi niya palalampasin ang pagkakataong pasukin ang isang banana plantation!  Ang Davao del Norte kasi ay isa sa pinakamalaking exporter ng saging sa buong mundo.  Kaya naman sa pagpasok ni Drew sa isang 700-hectare banana plantation, mararanasan niya kung paano mag-ani at magsala ng mga saging na pang-export.

Isalba ang summer! Sama na sa Biyahe ni Drew sa Davao del Norte, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.