#BND3rdAnniv: 'Biyahe ni Drew,' susundan ang yapak ni Hesus sa Israel
Biyernes, April 1, 2016
8pm sa GMA News TV
Tatlong taon na ring bumibiyahe si Drew Arellano at ang tropa ng Biyahe ni Drew. At bilang pagdiriwang sa kanilang ikatlong anibersaryo, pupuntahan ni Drew ang isa sa pinakasagradong lugar sa mundo…ang tinaguriang Holy Land sa Israel.
Ito na ang pinakamalayong biyahe ng Team BND at extra special ito dahil si Hesus mismo ang magiging “tour guide” ng tropa: pupuntahan nila ang mga lugar na may kinalaman sa kanyang buhay, lalakaran ang mga daang nilakaran niya at bibisitahin pati mga lugar kung saan siya umano nagmilagro.
Bethlehem ang sunod na pupuntahan ni Drew kung saan matatagpuan ang Shepherd’s Fields. Dito unang ibinalita ng mga anghel sa mga pastol ang pagsilang ni Hesus. Sa hindi kalayuan mula rito, papasukin ni Drew ang Church of the Nativity kung saan ipinanganak si Hesus. Hanggang ngayon ay patuloy ang reconstruction ng simbahan na ipinatayo pa ni Constantine the Great noong 327AD.
Samantala, dadalo ang ating bida ng kasal sa Cana sa Galillee kung saan ginawa ni Hesus ang kauna-unahang milagro niya nang gawin niyang alak ang tubig!
At bago matapos ang unang bahagi ng Israel tour ni Drew, pupuntahan niya ang Mt. Tabor kung saan matatagpuan ang Church of Transfiguration—ang lugar kung saan nabalot ng liwanag ang buong pagkatao ni Hesus, at kung saan nagpakita rin sina Moses at Elijah.
Huwag palampasin ang 3rdAnniversary Special ng Biyahe ni Drew sa Holy Land sa Israel, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.