Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Okinawa, Japan!


Biyahe ni Drew:  Okinawa (Part 1)
Biyernes, 12 February 2016
8 pm on GMA News TV

Isa na namang biyaheng hitik sa kasaysayan, kultura at kainan ang handog ni Drew Arellano ngayong Biyernes as Biyahe ni Drew goes to Okinawa, Japan!

 

Believe it or not, ang Okinawa ay dating hindi bahagi ng Japan mahigit anim na daang taon na ang nakararaan. Nahahati ito noon sa tatlong kaharian:  ang Hokuzan sa hilaga, ang Chuzan sa gitna at ang Nanzan sa timog.  Hanggang ngayon, makikita pa rin sa modern day Okinawa ang bakas na naiwan ng mga kahariang ito.

Bibisitahan ni Drew ang Nanjikin Castle na itinayo ng hari ng Hokuzan noong 1200s. Castle walls at ilang “utaki” o sagradong lugar na lang ang natitira sa dating grandiyosong kastilyo pero makikita pa rin ang dating karangyaan nito.

 

Sisilipin din ni Drew ang Shuri Castle na pinakamahalagang kastilyo raw sa Okinawa dahil dito naghari si Sho Hashi na sumakop sa dalawa pang kaharian at naghari sa buong Okinawa.

 

Pero hindi lang history ang pakay ni Drew sa Okinawa. Dahil gusto niyang makilala ang mga Okinawan, pupuntahan niya ang Okinawa World. Kakaiba ang theme park na ito dahil nagpapakita ito ng kultura ng Okinawa. Ang mga bisita ay puwedeng magsuot ng iba’t ibang costume, mamili at gumawa ng mga local handmade glass product,  at uminom ng Okinawa craft beer na Nihede Beer.

To complete Drew’s Okinawa visit, papasukin niya ang isa sa pinakamalaking cave system sa Japan, sasayawin niya ang Eisa Dance, at mamamalengke at kakain siya sa Makishi Food Market na pinamalaki at pinakasikat na palengke sa Okinawa.

Sama nasa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.