Filtered By: Newstv
NewsTV

MARILAQUE Road, lalakbayin ng 'Biyahe ni Drew'


Biyahe ni Drew:  MARILAQUE ROAD

Biyernes, February 5, 2016

8 pm sa GMA News TV

 


Biyernes sa Biyahe ni Drew, samahan si biyahero Drew Arellano sa kaniyang pamamasyal sa Rizal at Quezon gamit ang Manila East Road o mas  kilala ngayon bilang MARILAQUE Road.

 


Sinasabing isa sa pinakamagagandang highway sa Pilipinas ang MARILIQUE Road. Bukod kasi sa maganda at walang lubak ang daan, masarap ding mag-sightseeing mula sa ilang matataas na parte ng bundok na dinadaanan nito.

 


Para sa mga mahilig sa extreme adventure, patok ang Tanay Jungle Base sa Tanay, Rizal. Ang top modes of transportation dito, ang  4 x 4 vehicles at all-terrain vehicles o ATVs na perfect for off-road driving. Siyempre, hindi palalampasin ni Drew ang pagmamaneho ng ATV sa putikan at batuhan. Meron ding firing range para sa mga mahilig sa shooting.

Sa Paete, Laguna, sasabak ang Team BND sa isang matinding boodle fight. Talaga namang tingin pa lang, mabubusog na sila dahil sa masasarap na putaheng nakalatag sa harapan nila:  ang bringhe o Pinoy version ng Arroz Valenciana, adobong Tagalog, minanok, at pinaniki.

Bago pa iwan ni Drew ang Paete, makikilala muna niya si Mang Chris na isa sa pinakamahuhusay na master carver ng bayan.  Tatlumpong taon na ring nag-uukit si Mang Chris kaya naman ipakikita niya kay Drew ang buong proseso ng pag-uukit; mula pagpili ng kahoy hanggang sa paglalagay ng varnish sa kaniyang obra.

Mula Paete, didiretso naman si Drew sa Lake Caliraya na bahagi ng Lumban, Cavinti at Kalayaan sa Laguna. Dito, susubukan niya ang zipline gamit ang…bisikleta? Mala-circus man ang dating, nakakatanggal naman daw ng kaba ang kakaibang zipline na ito.

Sama nasa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.