'Biyahe ni Drew' falls for Cebu
Biyernes, January 22, 2016
8pm, GMA News TV
Kahit ilang beses pang magpabalik-balik si Drew Arellano sa Cebu, tila hindi siya nauubusan ng makikita at pwedeng gawin dito. Kaya sa Biyernes, samahan siya as he roams around Allegria and Malabuyoc, Cebu sa Biyahe ni Drew!
_2016_01_22_13_08_56_0.jpg)
First stop, Montaneza Falls. Ito na raw ang kinikilalang top canyoneering spot sa Visayas. Aabuti ng halos isang oras ang trek papunta rito pero para kay Drew, it’s all worth it. Siguraduhin lang malakas ang loob mo at may basic knowledge ka sa rapelling para mas madali ang adventure.
_2016_01_22_13_08_56_2.jpg)
Ang Malabuyoc ay isang bayan na napapalibutan ng mountain ranges kaya ang great outdoors naman ang bentahe. Susuungin ni Drew ang hot springs na hindi biro ang init. Galing pa raw ang init nito sa volcanic rocks na sumisingaw mula sa ilalim ng Montaneza River kaya all-natural talaga.
_2016_01_22_13_08_56_1.jpg)
Para mabalanse ang init at lamig, pupuntahan ni Drew ang malamig na Cambais Falls sa kalapit na bayan ng Alegria. Dito rin matatagpuan ang iba’t ibang produktong gawa sa dahon ng malunggay o moringa leaves gaya ng nilupak with moringa, moringa loaf, at Royal moringa bibingka.
At dahil hindi mawawala ang kainan sa biyahe, siyempre nanamnamin ni Drew ang local delicacies tulad ng pan de bisaya na parang pandesal na may kaunting gata at niluto sa dahon ng saging. Nariyan din ang budbod , isang klase ng suman na limang piso lang ang isa. Sulit, ‘di ba?
_2016_01_22_13_08_56_3.jpg)
To cap his trip off, diving ang huling activity ni Drew. And as always, the pristine waters and rich marine life in Cebu never disappoints.
Sama na kay Drew Arellano sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.