Filtered By: Newstv
NewsTV

Biyahe ni Drew at Iya sa Hong Kong, ngayong Biyernes na  


Biyahe ni Drew: Hong Kong 2016 (Christmas in HK)
Biyernes, 8 pm
GMA News TV

Bilang unang hirit ng Biyahe ni Drew ngayong 2016, dadalhin tayo ni Drew Arellano at ng misis niyang si Iya sa isa sa pinakasikat na tourist destinations sa Asya, ang Fragrant Harbour… Hong Kong!

Sikat sa mga shopaholics, kilala ring family destination ang Hong Kong. Pero ilan lang iyan sa mga pwedeng gawin sa island territory na ito.

Umpisa pa lang ng biyahe, mawawala agad ang ating biyahero sa Lost in Hong Kong, isang interactive simulation room kung saan kailangang makuha ng players ang lahat ng clues para masagot ang misteryo at makalabas ng kwarto sa loob ng 45 minuto. Dito, masusubok ang brain cells ng mag-asawa dahil sa dami ng problem-solving exercises.

Samantala sa Loveramics, susubukan ni Drew at Iya na gawing canvas ang mga ceramics para maging personalized souvenirs.

Pero sa Se Wong Ip masusubok ang tibay ng kanilang sikmura. Isa kasi itong restaurant na ang specialty ay snake soup. Ayon sa mga Hongkongers, ang snake soup ay perfect for the cold weather!

Siyempre hindi makukumpleto ang biyahe sa Hong Kong hangga’t hindi napupuntahan ang Disneyland. Dito, bibisitahin ni Drew ang iba’t ibang attractions tulad ng Toy Story Land, Buzz Light Year Adventure at Mystic Manor. Pero ang highlight ng kanilang Disneyland adventure, ang Disneyland Musical performers na pawang mga Pinoy. Ika nga, it’s one of those #proudtobePinoy moments.

Sama na kay Drew and Iya Arellano sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.