Handaan sa Bulacan ngayong Pasko sa 'Biyahe ni Drew
Biyahe ni Drew: Bulacan 2015
Biyernes, 25 December 2015
8 pm sa GMA News TV
Biyernes sa Biyahe ni Drew, isang nakabubusog na “foodventure” ang mararanasan ni Drew Arellano sa biyahe niya sa isa sa pinakamalapit na probinsiya sa Maynila, ang Bulacan!
Unang sabak pa lang, pasalubong agad! Sa Malolos, siguraduhin daw na dumaan sa Citang’s para sa malinamnam na kakanin at kakaibang empanada. Nariyan din ang pabalat, ang tradisyunal na paraan ng pagbalot sa mga kendi o pastillas sa makulay na papel at may magarbong disenyo.
Sa Bistro Malolenyo, mga paboritong putahe naman ng mga bayani ang titkman ng ating bida. Nariyan ang nilagang manok na may asparagus na paborito raw ni Aguinaldo, ang pochero na paborito ni del Pilar at ang nilitsong manok sa saha na paborito naman ng mga katipunero.
Sa Marilao, hindi raw matatawaran ang sarap ng butcheron—ang chicharong gawa sa butchi ng manok— kaya naman sisilipin ni Drew ang paggawa nito. Siyempre, may kasama nang tikim! Sa Bocaue, lalantakan niya ang Bocaue version ng dinuguan na imbes na dugo at lamang loob ng baboy, dugo at lamang-loob ng baka ang gamit!
Sa Sta. Maria, organic food ang ihahain sa hapag-kainan ng Gawad Kalinga Enchanted Farms. Bukod sa pesticide-free ang mga gulay at produkto rito, nakatutulong pa raw ang proyekto sa pagbibigay ng hanap-buhay sa mga taga Sta. Maria.
Saving the best for last, bibisitahin ni Drew ang mga paboritong hangout daw ni Yaya Dub sa kaniyang hometown sa Sta. Maria! Gusto n’yo bang malaman kung ano ang mga ito? Abangan sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.