Drew Arellano, sisisirin ang karagatan ng Padre Burgos, Southern Leyte
Biyahe ni Drew: Padre Burgos, Leyte
Biyernes, 4 December 2015
8 pm on GMA News TV
Serene at relaxing getaway ba ang hanap mo? Bakit ‘di mo samahan si Drew Arellano sa kaniyang pamamasyal sa Padre Burgos, Southern Leyte ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew?
Galing ang pangalan ng bayan ng Padre Burgos kay Padre Jose Burgos, isa sa tatlong paring martir na bumubuo ng GOMBURZA na binitay ng mga Kastila noong 1872. Pero hindi na raw kailangang magpaka-martir para makaranas ng isang kakaibang bakasyan sa Padre Burgos!
Unang araw pa lang, sisisirin na ni Drew ang pamosong marine protected area sa Barangay Sta. Cruz. Bagamat walang entrance fee sa marine park, maghanda ng bente pesos kung papasok ka sa fish feeding area. Nakatutuwang isipin na ang lugar na ito ay kilala na bilang ikatlo sa pinakamagandang marine protected areas sa buong bansa.
Undiscovered diving frontier daw ang Southern Leyte. Kaya naman ihahanda ni Drew ang sarili sa ipinagmamalaki nitong diving site sa Sta. Sofia. Sa ilalim, makakasalamuha niya ang mga lion fish, anemone, at sea snakes bukod sa naggagandahang corals. Pero ang bida siyempre ay ang sea turles!
Kung imbes na underwater ay on the ground naman ang tipo mong adventure, punta na sa Barangay Cambaro sa bayan ng Macrohon na sinasabing caving capital ng probinsiya. Halos isandaang kweba daw ang matatagpuan dito!
Kung medyo mahilig ka naman sa kasaysayan, aba meron din niyan sa Padre Burgos. Sa isla ng Limasawa, makikita ang shrine kung saan daw ginanap ang unang misa nang dumating ang tropa ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas.
Pero sa pag-akyat ng ating biyahero sa Uwan Uwanan Gorge sa bayan ng Libagon, tunay na masusubok ang kaniyang lakas at tiyaga. Ano kaya ang naghihintay sa dulo ng halos dalawang oras na paglalakad, paglangoy at pag-akyat ng ating bida?
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.