Filtered By: Newstv
NewsTV
San Juan at Lobo, Batangas, bibistahin ng 'Biyahe ni Drew'
Biyahe ni Drew: San Juan & Lobo, Batangas
Biyernes, 30 October 2015
8pm sa GMA News TV
Isang quick seaside getaway ang mararanasan ni Drew Arellano sa pagbiyahe niya sa San Juan at Lobo, Batangas sa Biyahe ni Drew!
Mahigit dalawang oras lang ang layo ng San Juan sa Maynila. Pero sa daan pa lang, mag-uumpisa na ang chow-venture ni Drew. Sa Marimar Goto Haus, nanamnamin niya ang paboritong Gotong Batangas na mainit, nag-uumapaw sa sahog at pasok sa budget. Nariyan din ang classic bulalo at kaldereta.
Sikat ang San Juan sa mga white sand beaches nito na patok sa mga pamilya, barkada at honeymooners. Pero meron din namang black sand beaches. Sa tinuluyan naman nina Drew na La Luz Resort, kasama sa binabayaran ang nag-uumapaw na dinner buffet featuring his favorite crispy pata.
Bukod sa nature tripping, mainam ding pasyalan ang mga ancestral homes sa San Juan. Isa sa mga ito ang Cafeno, isang lumang bahay na ginawang coffee shop. Dito, matitikman niya ang masarap na kape at merienda habang napapalibutan ng mga antigong kagamitan.
Samantala, sa Lobo na halos isa’t kalahating oras lang ang layo mula sa San Juan, bibisitahin ni Drew ang Malabrigo Light House, ang isa sa pinaka-well maintained at photogenic na light house sa Luzon. Sisilipin din natin ang ipinagmamalaking “mini rice terraces” ng Lobo. Para kay Drew, perfect daw ito for selfies and groufies!
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular