Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew,' tutuklasin ang ganda ng Narra, Palawan


Biyahe ni Drew: NARRA, Palawan
Biyernes, 9 October 2015
8 pm sa GMA News TV



Ilang beses nang nakapunta sa Palawan si Drew Arellano pero aminado siyang hindi niya ito pagsasawaan. Sa Biyernes, ang kaniyang destinasyon ay ang Narra, isang bayan sa Palawan na hindi pa masyadong napupuntahan ng mga turista.

Nagsimula bilang isang resettlement and rehabilitation area ang Narra. Ngayon, isa na itong paboritong destinasyon ng mga local tourist.


First up, nature trip. Maraming waterfalls sa lugar pero ang pinakamadaling puntahan ay ang Estrella Falls sa Estrella Village. Meron ding public hot springs kung therapeutic bath ang inyong hilig. But if you want peace and quiet, meron namang private island na pwedeng puntahan. Bonus pa ang iba’t ibang diving at snorkeling sites! Isa na rito ang Arena Island na isa ring turtle sanctuary. Malayang nakakapangitlog ang mga pawikan sa paligid ng 30-hectare island paradise na ito.


 
After his island adventure, makakasalamuha naman ng ating biyahero ang tribo ng mga Tagbanua, ang isa sa pinakamatandang ethnic groups sa Pilipinas. Mainit ang pagsalubong ng tribo kay Drew na ipinakita nila sa pamamagitan ng sayaw. Siyempre, titikman din ni Drew ang kanilang specialties na halos lahat ay gawa sa kanin! Ilan lang diyan ang amit at lotlot.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.