'Gateway to the Pacific,' dadayuhin ng 'Biyahe ni Drew'
Biyahe ni Drew: Real at Infanta Quezon
Biyernes, July 10
8 PM, GMA News TV
Gateway to the Pacific – dito nakilala ang dalawang bayansa Quezon Province, ang munisipalidad ng Real at Infanta. Pero ang mga lugar na ito, masasabi ring gateway to something more. Tradition, food and Pacific Ocean fun… mararanasan lahat ‘yan sa Biyahe ni Drew.
Sa Quezon, iba’t ibang local food ang titikman ni Drew, tulad ng ‘Ginanga’ o sinaing na isda, ‘Ispalabok’ o palabok na ginamitan ng flat spaghetti noodles, at ‘Carabeef’o karneng kalabaw na niluto, beef style! Pero ang pinaka-ipinagmamalaki nila ay ang ‘Sinantol’, isang tradisyunal na pagkain ng Infanta kung saan ang burong santol ay sinasahugan ng seafood at hinahalo sa gata. You gata try it!
Don’t be a tourist. Be a local.” Kaya’t si Drew, makikipag-bonding sa mga kababaihan ng Infanta habang gumagawa sila ng suman espesyal. Makikilusong at makikisisid din kasama ng mga batang Real para makahuli ng isda, local style. Spear fishing? ‘Di raw ‘yan aatrasan ng ating Biyahero.
Dahil malapit na rin naman sa Pacific Ocean, samahan natin si Drew na mag-skimboarding, white water rafting at island hopping.
Lahat ng ‘yan sa Biyahe ni Drew, ngayong Biyernes, 8pm sa GMA News TV!