Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' goes back to Bohol
Dalawang taon matapos yanigin ng isang matinding lindol ang Bohol, kamusta na kaya ang probinisya na sumikat dahil sa mga naggagandahang simbahan at pamosong Chocolate Hills? ‘Yan ang aalamin ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew!
Kung nakakaranas tayo ng sugar rush kapag nasobrahan ng kain ng tsokolate, adrenalin rush naman ang mararamdaman ng mga biyaheros kapag bumibisita sila sa bagong Chocolate Hills Adventure Park o CHAP. Dito susubukan ni Drew ang kakaibang zip line adventure. Kakaiba dahil unang beses niyang gagawin ang zipline habang nakasakay sa bisikleta. Sweet!
Pero kung hindi ka naman masyadong mahilig sa matamis, may maalat na alternative adventures ang Bohol para sa iyo. Kilala rin kasi ito sa mga white sand beaches. Kaya kung ayaw mo ng adrenalin pumping activity, pwede kang sumama kay Drew na mag-dolphin-watching at snorkeling. At dahil mabibilad ka sa araw sa mga activities na ito, kailangan mo ng pampalamig. Sabayan mo na rin si Drew na tikman ang mga home made ice cream sa Bee Farm. Dito, masusubukan ni Drew ang ice cream na lasang, spicy ginger, dragon fruit, at durian.
Samantala, susunggaban ni Drew ang isang relaxing cruise sa fresh water ng Loboc River. Magpakabundat din siya sa nakakabusog na buffet lunch na sa mga floating restaurants ng Loboc River lang matitikman.
Sama na sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV 11.
More Videos
Most Popular