Filtered by: Newstv
NewsTV
Tuklasin ang ganda ng Camotes Island kasama ang 'Biyahe ni Drew,' ngayong Biyernes na!
Biyahe ni Drew: Camotes Island
Biyernes, 26 June 2015
8 PM, GMA News TV
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/06/2015_06_24_14_43_19.jpg)
Simula na ng pasukan sa eskwela, at bago magsimulang mangamote ang mga estudyante sa leksyon sa klase, iti-treat muna tayo ng Biyahe ni Drew sa Land of Kamote, ang Camotes Islands sa Cebu.
Nagmula man sa kamote ang pangalan ng lugar, hindi naman ito nangangamote pagdating sa ganda ng mga tanawin at mga activities na maaring gawin dito. Competitive at sumasabay sa world class beaches ang lugar na ito. Dahil hindi pa nakaka-quota si Drew sa mga beach adventure nitong nakalipas na summer, sisimulan niya ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng pagsisid sa napakagandang karagatan ng Camotes.
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/06/2015_06_24_14_42_48.jpg)
Kung adrenalin rush naman ang habol mo, pwede mo ring samahan si Drew sa cliff diving. Hindi tulad ng open-water diving, walang lisensyang kailangan dito.Sa isla, mapapaos si Drew sa kakasigaw. Pero hindi pa man nakaka-recover, cave hopping at snorkelling naman ang haharapin niya. At dahil nakakagutom ang activities, lalantakan niya ang Salbaros, isang local delicacy na gawa sa kamoteng kahoy.
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2015/06/2015_06_24_14_42_18.jpg)
And what better way to end Drew’s adventure by eating in the middle of the ocean! Dito unang beses matitikman ni Drew ang isang barracuda. Ikaw, nakatikim ka na ba ng barracuda?
Bago pa umulan ng exams, samahan si Drew Arellano sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular