Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew,' tutuklasin ang tradisyon at kultura ng Banaue
Biyahe ni Drew: Banaue
Biyernes, May 29, 2015
8 pm sa GMA News TV
Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa paggala sa pinakayamang lugar sa Pilipinas ‘pag dating sa tradisyon at kultura… ang Banaue!
Mula Maynila, kailangang bumiyahe ng siyam na oras para marating ang Banaue. Pero sulit naman ang biyahe sa ganda pa lang ng tanawin.
Una nang makakaakit kay Drew ang Banaue Rice Terraces na sinasabing 8th Natural Wonder of the World. Pinaniniwalaang ginawa ito mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan. At kapag pinagdikit-dikit mo nga raw ang mga pilapil nito, makakaikot diumano ito sa kalahati ng mundo.
Bago makapasok sa komunidad ng Tam-an, kailangan munang sumali sa isang blessing ritual ang ating biyahero. Kasama sa ritwal na ito ang pagbasbas sa bisita at pagkatay ng manok na iaaalay sa mga espiritu ng lugar. Kabilang din sa ritwal ang isang sayaw bilang pasasalamat sa magandang ani.
Samantala, sa Batad Rice Terraces, makikipag-bonding naman si Drew sa mga residente. Sisilipin din niya ang istruktura ng tipikal na bahay ng mga Ifugao, at makikipag-wrestling pa na karaniwang ginagawa kapag may alitan o di-pagkakasundo tungkol sa lupa, pera, aria-arian o pag-ibig!
Siyempre, for that adrenaline rush, sasakay si Drew sa wooden scooter na proudly Banaue-made. Ginagamit na sasakyan sa pagbaba ng mga mabibigat na bagay mula sa bundok, naging sikat na sport na ito ngayon. Meron pang taunang festival!
And to cap a very laid-back trip, nirerekomenda ni Drew ang paglulublob sa Bogyaw Hot Springs o ang pagtatampisaw sa Tappiyah Falls.
Sama na sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular