Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Mabini, Batangas




Biyahe ni Drew: Mabini, Batangas
Biyernes, May 8, 2015
8 pm, GMA News TV

 




It’s that time of the year again, Biyaheros. Kung gusto ninyong takasan ang summer sa Maynila, why not go to the beach?  Ngayong Biyernes, swimming, snorkelling at diving ang pagkakaabalahan ni Drew sa kaniyang pagbisita sa Mabini, Batangas!


 
Kapag Mabini ang pinag-usapan, unang pumapasok sa isip ng mga tao ang Anilao. And for good reason, too!  Dito kasi ipinanganak ang scuba diving sa Pilipinas noong 1960s. Ngayon, isa na ito sa pinakasikat ng diving sites sa buong mundo.





Sa Cathedral Rock ang unang destinasyon ni Drew. Dito unang sinubukang maglipat at bumuhay ng mga coral. Kaya naman ang epekto, napakayamang marine life!  Dito rin makikita ang krus na benendisyunan ni Pope John Paul the Second at inilagay naman ni dating Presidente Fidel V. Ramos. Sa Binukbok View Point naman, mapapatunayan ni Drew na isa siyang fish magnet. ‘Yun nga lang, during fish feeding!



Next on Drew’s itinerary, island-hopping sa Isla Markaban. Kilala rin ito sa tawag na “Isla Puting Buhok” dahil sa maputing buhok ng may-ari nito. For 250 pesos per person, pwede ka nang mag-overnight gamit ang iyong tent o sleeping bag. Sa Sumbrero Island naman, meron nang beach, meron pang dive spot!



Kung may 2,500 pesos ka, pwede kang mag-aral ng windsurfing sa loob ng anim na oras. Kasama na sa fee ang gamit at bayad sa instructor. Pwede ka ring mag-hiking sa Mt. Gulugud Baboy, isang paboritong hiking destination sa Mabini.



Pero para mas maging makabuluhan ang biyahe niya, magpapaka-scubasurero muna ang beteranong Biyahero bago bumalik ng Maynila. Layunin ng mga scubasurero na panatilihing malinis ang karagatan ng Mabini, kaya ang mga tagarito ay hero na hero!
 
Sama na sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug