Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' returns to Culion, Palawan




Biyahe ni Drew: Culion, Palawan
Biyernes, May 1, 2015
8 pm sa GMA News  TV


 
Ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew, pupunta ang ating biyahero sa lugar na binansagang “The Land of No Return” dahil napahiwalay ito sa Pilipinas sa loob ng humigit kumulang isandaang taon.  Samahan si Biyahero Drew na balikan ang islang ito sa Palawan na tila ‘frozen in time’—ang Culion Island.
 


Matapos ang isa’t kalahating oras na plane ride mula Maynila hanggang Busuanga, isang oras na land trip mula Busuanga hanggang Coron, at isa’t kalahating oras na boat ride naman mula Coron, mararating na ang Culion Island.  Kilalang leper colony ang Culion dahil binuksan ito sa mga pasyenteng may ketong  noong 1906.  At dahil malayo, tila isang ilang na isla pa rin ito hanggang ngayon.



First on Drew’s itinerary:  scuba diving! Inirerekomenda ni Drew na unahin muna ang snorkeling sa Crowning Glory Reef, bago ang diving para makita ang mga lumubog na barkong tila nakalibing na sa ilalim ng dagat. Samantala, kung sightseeing ang hanap mo, puwedeng  libutin ang buong isla ng Culion na sakay lamang ng tricycle.  And to know more about the island, pwede ring bisitahin nag kanilang museo.



Kakaiba naman ang kapihan sa isla kasama ang mga Tagbanua na mga katutubo ng Culion.  Dito, inihahanda, inilalaga at iniinom ang kape ng buong komunidad, pati na ng mga bata! Samahan pa ng Bibingkang Tagalog na katumbas ng biko o sinukmani, tiyak panalo ang merienda!


 
Pero ang dinadayo raw talaga sa Culion, ang seaside delicacies tulad ng lato at sea urchin.  Angat din sa sarap,  ang baked crab, scallops at sikad-sikad.


 
Kung meron man daw tatatak sa puso ng mga bumibisita sa Culion, ito ay ang mga taong makasasalamuha nila.  Tulad na lang ng mga taong naging mainit ang pagtanggap kay Drew. Malayo man sa kabihasnan,  napanatili naman ng mga taga-Culion ang kagandahan ng kanilang kalikasan.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug